Tungkol sa atin

Artiginato di qualità

Ang Cabrio Project, ang nangungunang kumpanya sa Pilipinas, na dalubhasa sa pagsusuplay ng mga convertible hood, kumpletong upholstery at iba pang mga aksesorya para sa iyong klasiko o kasalukuyang sasakyan. Mayroon kaming higit sa 50 brands na mga available na aksesorya para sa iyong convertible. Kami ang bahala sa iyong mga pangangailangan at ekspertong opinyon sa mga proseso ng kompanya ng seguro, mga pagawaan, mga propesyonal o direkta sa mga indibidwal. Mayroon kami ng eksaktong ispesipikasyon pagdating sa mga de kalidad na produkto at mga sukat mula sa orihinal na manufacturer, kung kaya masisiguro namin ang iyong 100% na sastispaksyon.

Lahat ng aming mga produkto ay ginawa gamit ang computer-controlled GERBER cutting equipment, na eksaktong umaangkop sa ispesipikasyon ng iyong sasakyan. Alam namin kung paano ito gawin ng tama, at kami ay handang magbigay ng serbisyo upang gawin ang hitsura na gusto mo para sa iyong klasiko at collectible na sasakyan. Kung naghahanap ka upang baguhin ang iyong hood, maging ito man ay para sa maintenance o upang ibalik ang orihinal nitong halaga, wala ng mas gaganda pa sa Cabrio Project. Maaari kang pumili sa iba’t ibang uri ng mga materyales at finishing na kulay, na tutugma sa iyong orihinal na hood o upang mag-upgrade sa iba. Ang aming soft tops ay handa ng ikabit nang hindi kinakailangan ng kahit na anong pagtatahi o pagpuputol. Ang aming tradisyonal na teknik, high-tech na proseso sa paggawa at pinakamataas na kalidad ng mga materyales at interior upholstery na walang kaparis pagdating sa kalidad, detalye at hugis. Kung hindi mo mahanap ang materyal, kulay o finish na hinahanap mo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin, dahil posibleng mai-iorder ito ng espesyal

Original Sonnenlad material

Sa Cabrio Project ang iyong kasiyahan ay ang enerhiyang nag-uudyok sa amin upang magpatuloy sa pagbabago, kung kaya, ang aming mga tauhan ay laging nandiyan para tulungan ka sa lahat ng iyong mga katanungan; mayroon din kaming seksyon na dedikado lamang para sa pag-i-inspeksyon at pangunang review ng bawat isa sa aming mga produkto, kung kaya  ipinagmamalaki namin na garantisado ang kawastuhan ng pag-i-instal ng mga ito.