Patakaran sa garantiya

Patakaran sa garantiya

Bago simulan ang instalasyon, mangyaring suriin muna ang produktong natanggap, upang masiguro na lahat ay tama, kasama ang: taon, modelo, kulay, materyales, atbp. Sa pagkakataong mali ang naipadalang aytem, malugod naming tatanggapin ang pagsasauli ng aytem sa parehong kondisyon kung paano ito ipinadala, at magpapatuloy kami sa pagpapadala ng tamang aytem (at ang halaga ng pagpapadala ay sasagutin namin).

Ang Cabrio Project ay nagbebenta ng mga hood para sa iyong convertible na may hindi mapapantayang kalidad ng paggawa, disenyo ng engineering at craftmanship sa pattern ng pagpapagawa, kung kaya inaalok namin ang pinakamagandang garantiya ng pabrika sa sektor na ito.

Ginagarantiya ng Cabrio Project na ang iyong hood ay eksaktong tutugma sa iyong sasakyan; kung hindi, magbibigay kami ng panibagong hood para sa modelo ng iyong sasakyan.

Cabrio Project: 6 na taong warranty.

Ang aming mga canopy ay ginawa gamit lamang ang pinakamagagandang materyales, ang pinaka-modernong gamit at ginawa ng pinaka-eksperiyensadong mga manggagawa sa industriya. Ang aming atensyon sa detalye at kalidad sa pagkakagawa ay siguradong magbibigay ng satispaksyon sa iyo sa mahabang panahon. Ang bawat hood ay ginawa para sa ispesipikong sasakyan upang masiguro ang mabilis at madaling instalasyon nito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga orihinal na materyales, kung saan maibibigay namin ang parehong kalidad ng tibay ng orihinal na hood.

Ngunit, kahit na ang pinaka may mataas na reputasyon sa industriya ay maaaring magkaroon ng problema. Sa Cabrio Project makakasiguro ka na nandito kami. Kasama sa aming warranty ang lahat ng bahagi ng materyales na may depekto at gawa ng aming mga mangggawa sa iba’t ibang panahon. Halimbawa, ang nagdudugtong sa bintana at canvas ay may garantiya ng 6 na taon. Siyempre, sa ibang sitwasyon, tulad ng nabasag na salamin, ay hindi na ito kontrolado ng manggagawa at hindi ito sakop ng warranty.

KUNG MAYROON KANG ANUMANG ISYU SA WARRANTY

Kung magkaroon ng problema sa warranty, makipag-ugnayan lamang sa amin, ibigay ang iyong pangalan at apelyido, email, address, at petsa ng pagbili, at mabilis namin itong bibigyan ng aksyon sa propesyonal na paraan.