Ang Cabrio Project ang pinakamagandang opsyon para sa mga hood at iba pang aksesorya na katulad ng orihinal na ispesipikasyon ng Porche. Ang aming mga soft top ay ginawa upang sumakto sa iyong Porshce 911, 96, Boxster, 986, 987, atbp. Hindi na kinakailangan ng dagdag na pagtatahi o pagsusukat, dahil gumagamit lamang kami ng orihinal na ispesipikasyon ng Porche gamit ang 3D computerized patterns. Kami ang nangunguna pagdating sa de kalidad na hood para sa iyong Porche, handa na itong i-install mo o ng isang propesyonal na installer. Maaari kang gumawa ng perpektong combo, habang pinapanatili ang orihinal na istilo o baguhin ito gamit ang ibang kulat at materyales na iyong napili. Nag-i-stock kami ng Porsche Genuine German Sonnenland na materyales pati na rin ng ibang pinakamagagandang opsyon, upang makuha mo ang ekasktong hitsura na gusto mo, habang pinapanatili namin ang aming 6 na taong warranty. Ang lahat ng aming mga hood ay ginawa upang maiwasan ang pagkasira dahil sa UV rays, halumigmig, at rear glass window rips na tipikal sa mga naka-stock na modelo. Depende sa modelo ng iyong sasakyan, maaari naming ialok sa’yo ang hood na may seal at reinforced rear window sa weak points na aming na-obserbahan sa mga nakalipas na taon o ang rear window na PVC plastic na mayroong 1mm na orihinal na kapal at dobleng heat-sealed seams. Siguraduhing makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kang anumang alalahanin o katanungan na mayroon ka sa anuman sa aming mga magagandang produkto at malugod ka naming tutulungan. Kami ay nakikipagtulungan sa mga pagawaan na aming pinagkakatiwalaan sa buong Espanya, mangyaring makipag-ugnayan sa amin upang makapagbigay kami ng espesyalista na pinakamalapit sa iyo na maaaring gumawa ng propesyonal na instalasyon.