Ang Cabrio Project ang nangunguna pagdating sa mga hood at iba pang aksesorya para sa Ford. Ikaw man ay naghahanap ng kakaibang hood para sa bago mong Mustang o anumang bagay para baguhin ang hitsura ng iyong Ford Escort. Makakatulong kami upang makuha mo ang mga tamang produkto at hitsura para sa modelo ng iyong sasakyan. Ang aming mga pinasadyang hood ay ginawa tulad ng orihinal na manufacturing standards para sa Ford kung kaya garantisadong sasakto ito ng 100% sa orihinal na hardware. Ito ay siguradong tinreat laban sa halumigmig at mayroon din itong quality seal laban sa UV rays. Buo na at maaari nang ikabit ng iyong propesyonal na installer. Hindi na kinakailangan ng dagdag na pagtatahi, at ang lahat ng gilid ay dinikitan ng high-strength, heat-sealed joint para siguradong matibay. Sa Cabrio Project, sigurado kami sa iyong kasiyahan kaya nagbibigay kami ng 6 na taong warranty para sa lahat ng aming mga hood. Kung kaya sigurado ka na ang makukuha mo ay de kalidad na produkto kapag umorder ka sa amin. Ang isa pang espesyal at importante tungkol sa aming mga hood ay ginawa ito nang mayroong glass na bintana na aprubado at rehistrado sa MOT. Ang mga bintana ay may kasamang orihinal na konektor, kung kaya hindi na nito kailangang iangkop pa sa orihinal na aksesorya. Siguraduhing umorder lamang ng mga may mataas na kalidad na soft hood para sa iyong Ford, sa isa sa aming mga available na hitsura, materyales, at kulay. Maaari mo rin kunin ang orihinal na finish ng materyales o pumii sa iba naming magagandang materyales na mayroong mas maraming opsyon at kulay. Kung kailangan mo ng tulong sa pagpili ng tamang finishing para sa modelo ng iyong sasakyan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Para sa iba pang mga katanungan tungkol sa aming mga produkto at upang matulungan ka naming makahanap ng kwalipikadong installer na malapit sa’yo, makipag-ugnayan lamang sa amin at malugod ka naming tutulungan.