Materyales

Diversi Materiali di fabbricazione

VINYL NA MATERYALES (PVC PLASTIC).

  • Pinpoint Vinyl: Ang materyales na pangkaraniwang orihinal na ginagamit sa mga sasakyan mula sa Europa at Amerika sa kanilang mga mas lumang modelo mula 60’s, 70’s at 80’s. Ito ay ang materyales na mayroong dalawang layer, ang panlabas na layer na gawa sa high-resistance na plastik na materyales at ang panloob na layer ng halo-halong koton.
  • Convertible Vinyl: Ang convertible vinyl ay isang materyal na may kaunting kaibahan pagdating sa tekstura kumpara sa Pinpoint Vinyl. Ito ay mayroong magaspang na tekstura at hindi gaanong makinis tulad ng unang nabanggit.
  • Colonial Vinyl: Ito ay ang orihinal na materyales ng karamihan sa mga English roadsters mula sa 50’s, 60’s at 70’s. Ito ang kahalintulad nito pagdating sa itsura, at tekstura nito.

Mga tampok ng Pinpoint/Colonial/Cabrio Vinyl: Malakas at matibay/magandang panlaban sa UV rays at pagbabago ng temperatura.

CANVAS NA MATERYALES (FABRIC)

Stayfast canvas: Ang canvas na materyales ay gawa sa tatlong layer (canvas, rubber, canvas), ito ay partikular na idinisenyo para sa paggawa ng convertible tops. Ito ang isa sa pinakamagagandang opsyon pagdating sa pagpapahalaga sa pera.  Ang Stayfast canvas ay mayroong parehong hitsura sa German Sonnenland na canvas na materyal, ngunit ang likod nito ay makinis kung kaya walang pattern na magsisilbing headliner. Ito ay ang materyal na kadalasang ginagamit sa pagpapalit ng top ng mga kotse mula sa Europa dahil ito ay mas murang alternatibo sa orihinal na German Sonnenland na canvas.

  • Twillfast canvas: Ang American na bersyon ng German Sonnenland na canvas. Ang malaking pagkakaiba nito ay ang unang layer nito ay gawa sa pinaghalong koton, habang ang German Sonnenland na canvas ay gawa sa polyester blend. Pagdating naman sa kalidad, sinimulan nang i-test ng BMW and Twillfast na canvas sa loob ng maraming taon upang makita ang tibay, tatag, at napagpasiyahan na isama ito sa orihinal na gamit para sa mga modelo nito pagkatapos ng 1994 tulad ng 3-series E36 bodywork, at BMW Z3 E37 bodywork at hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ito.
  • German Sonnenland na Canvas: Walang ng deskripsyon na kinakailangan para rito. Ito ang orihinal na materyales sa karamihan ng German at mga high-end na sasakyan. Ito ay binubuo ng tatlong layer ng compound, ito ang pinakamatibay na opsyon kumpara sa ibang mga materyales; nagbibigay ito ng mas mala-silk na tekstura, mas matingkad na kulay at itsura. Orihinal na gamit ng: VW New Beetle Cabrio, Mercedes, Porsche, Saab, Volvo, BMW (mga modelo bago ang 1994), atbp.

Ang mga katangian ng Stayfast/Twillfast/German Sonnenland tarps: Superyor na tibay at lakas, mahusay na panlaban sa pagkulubot, mahusay na umaangkop sa paiba-ibang temperatura, lalo na sa mababang mga temperatura.